MAUTAK

wais.marunong.matalino.smart.intelligent .MAY HANEP NA UTAK

24 notes

charlottehideandseek:

Mass suicide was carried out by members of the People’s Temple, a cult born in the 1950s with the supposed objective of practicing Apostolic Socialism. In the 1970s a Caribbean missionary post was established in Guyana; “Jonestown” was allegedly a benevolent communist community and sanctuary for racial and social equality headed by leader and self-styled prophet Jim Jones. However Jones, claiming to be the Messiah, applied mind-control strategies to brainwash the sect and receive full and incontestable devotion; implemented torture holes to solve disciplinary matters (for both adults and children); and had sexual control over women and children.
In November 1978, strange disappearances began to occur, including the murder of inspecting California Congressman Leo Ryan and a number of fugitives from the ‘camp’. Afraid of American retaliation, Jones brainwashed his 912 followers into preserving the People’s Temple for eternity by committing the ultimate sacrifice. Poisoning themselves, they thus participated to the largest mass suicide in modern history

0 notes

Nakapunta ulit ako sa B-Side pagkatapos ng matagal na panahon.
Na-stranded pala ako dun…nagkaroon ng baha sa labas at siningil ako ng PHP300, fixed rate daw. Wala akong magawa dahil gustong gusto ko nang umuwi. Di ko alam kung bakit maraming oportunistang taxi dito sa Metro Manila.
Porket umuulan dodoble na ang singil…bakit humihingi ba kami ng discount pag tuyo ang daan?

Filed under followers B-Side Taxi in Manila Taxi Flood Baha

6 notes

Ito si Dida.
Siya ay isang bata sa Ulingan. Wala pa syang 5 taong gulang ngunit tumutulong na sya sa mga magulang niya sa pag-uuling.
Hindi ko lubos maisip kung paano nakakahinga si Dida at ang daan daang bata sa Ulingan sa Tondo dahil napakahirap huminga dahil sa usok doon.
Tulungan natin sya.

Filed under Ulingan Tondo Baseco

0 notes

Cynthia Alexander

from http://pilipinaenargentina.wordpress.com

To Cynthia Alexander,

Mautak ka kasi aalis ka na din ng Pilipinas.

Nagmamahal,

Utak Hanep

Aaminin ko, hindi ko kilala si Cynthia Alexander. Nakita ko lang sya sa Yahoo! nung isang linggo. Isa daw syang Pinay na singer-songwriter na aalis na sa Pilipinas dahil sa kawalan ng suporta.

Nakakalungkot. Sa totoo lang hindi na ito bago. Kung titignan ninyo marami nang Pilipino ang umalis ng bansa dahil sa kawalan ng suporta, suporta mula sa mga sariling kababayan, suporta mula sa pamahalaan. Walang trabaho, walang pera, walang pagkain.

Siguro ako rin. Isang araw aalis na rin muna ako pansamantala sa Pilipinas or baka aalis na rin ‘for good’, dahil sa tingin ko kahit anong kayod ko sa trabaho ko, sa liit ng sahod ko, matagal pa bago ko masasabi na mayaman na ako.

Masaya sana dito sa atin, pero hindi masosolusyunan ng tawa ang kalam ng sikmura.

0 notes

AOKIGAHARA

“Your life is a precious gift from your parents

Sa takbo ng buhay ko ngayon, aaminin ko na maraming beses nakong nainggit sa iba. Maraming beses ko na naitanong sa sarili ko kung bakit “Sila may magandang bahay”, bakit “Sila maraming pera”, bakit “Sila hindi na kailangan magkanda kuba sa pagtatrabaho, para lang makabili ng magandang damit”, at kung bakit “Sila, mukhang masaya”.

1:06 PM na ngayon, wala akong pasok. At sa kakaikot ko sa internet ay napadpad ako sa website kung saan nakit ko itong video na ito:

Pagkatapos ng higit sa 20 minuto ay napagtanto ko na, na “man is never content”. Kung ano ang meron tayo, hindi natin ito nakikita. Kung ano ang meron ng iba, gusto natin meron din tayong ganon. Sa bansang kasing unlad ng Japan, hindi ko sukat akalain na marami parin ang nagpapakamatay, meron pa akong nakita sa video na ‘suicide manual’. Tama ba naman ito, bakit naman may magsusulat ng isang libre on “How to Die a Tragical Death”. Bakit? Dito sa Pilipinas, marami ang nagugutom, mga hindi makapag aral, at ang tanging hiling sa maghapon ay makakain ng 3 beses sa isang araw. Pero sa kabila ng lahat, ay nagtatrabaho parin tayo hanggang sa wala na tayong lakas, at tumatawa parin tayo hanggang sa sumakit ang mga tyan natin.

Ironic? Oh yes. Kaya gusto ko paring maging Pinoy kahit na puro paghihirap ang nakikita ko dito sa Pilipinas, at marami na sa mga ka batch mates ko ay nangibang bansa na. Naiinggit man ako sa mga Iphone at Ipad nila, nothing feels more at home than staying in the Philippines.

Mabalik tayo sa video. Nabuksan ang isip ko sa katotohanan na sa lahat ng uri ng lipunan, maging ito ay sa isang napaka unlad na bansa, o sa bansang naghihikahos. Lahat ng lipunan ay may ‘dark side’. Masyadong demanding ang lipunan natin ngayon, kelangan maganda damit mo, basta bawal maging jologs at bawal magmukhang tanga.

Sabi nga nung suicide patrol sa video, kaya na nating mamuhay sa bahay lang dahil sa internet. Nakakalimutan na natin na may mga tao ding katulad natin na pwede nating kausapin. Kung iisipin, dito sa Pilipinas ang problema natin ay pera, mga eskwelahan para sa mga bata, at ang pagtugis sa mga masasamang elemento sa gobyerno, sa mga mauunlad na bansa gaya ng Japan, ang problema nila? PAGKALUNGKOT. Kung natapos niyo yung video, makikita nyo na may nahanap silang ‘suicide note’ kung saan nakasulat sa japanese ang “I came here because nothing good ever happened in my life”. Tama ba naman yon? Simula ba nung pagkabata mo ay wala nang magandang nangyari sa buhay mo? Siguro nga sa sobrang gulo ng lipunan ngayon, yan nalang ang maiisip mo. Ako rin, dumating sa puntong ganyan na gusto ko ring magpakamatay, pero ang gamot lang sa pagkadepress…alam mo kung ano? kaibigan. Kung wala ka nito, ilabas mo sa alaga mong pusa o aso. Makikinig sila kahit parang hindi ka nila naiintindihan.

Siguro sa sobrang advanced nila nakadepende na sila sa mga robot at machine nila, sa mga cellphone at MP3 players nila. Samantalang tayo dito pag may problema, kahit sino pwedeng mong hatakin, at pwede mo nang ibuhos lahat sa isang bote ng red horse.

Kaya sa mga nawawalan ng pag-asa sa buhay, wag. Wag kayong mawalan ng pag-asa. Pero syempre wag lang puro asa, kumilos ka dyan at wag nang mag DOTA, warcraft, at Diablo 3. Magbasa ka ng libro or makipag debate tungkol sa mga maliliit na bagay sa mga katropa mo hanggang sa maasar sila.

Lumabas ka ng bahay at magpa araw ka, tumawa, at ipagmalaki mo na isa kang mautak na pinoy.

Remember that nobody is alone in this world.

:)

Filed under Aokigahara Forest Suicide notes

0 notes

Nanuod ako ng telebisyon kanina. Hindi ako masyadong nanunuod nito dahil sabi nung kaibigan ko “it’s the age of the internet”. Lahat ng bagay nasa internet na, kaya wala nang dahilan para mag aksaya ng kuryente sa telebisyon.
Moving on. Nanuod ako ng telebisyon kanina…sa bus. Sabi doon, may bagyo daw. Si ‘Butchoy’ sya ang dahilan kaya medyo basa ang daan ngayon at maraming pusang maingay. Hindi ko alam kung bakit sila maingay pero, yung pusa namin dito ay napaka ingay.
Moving on. Nung nalaman ko na may bagyo nga ngayon ay dumiretso ako agad sa website ng PAG ASA. at may nirelease sila ng bulletin kaninang 11 PM. Nasisimplehan lang ako sa epekto ng winds with speeds of 30-60- kph. Ano pa ba ang epekto nito sa buhay ng tao bukod sa pagputol ng mga maliliit na sanga at pagbagsak ng mga puno ng saging?
Kung mayroong empleyado ng PAG ASA na gumagamit ng Tumblr at makakabasa nito, kelangan ko ng kaliwanagan.
Salamat

Filed under PAG ASA Butchoy

0 notes

mautak ka ba?

Nakakainis lang kasi naunahan ako ni tumblrbot na magpost dito sa tumblr kaya yung tinanong nya yung naging first post ko. Pero hindi. Ito ang first post ko.

Magandang umaga! (sa computer ko ay 2:06 AM na)

Ito ang una kong pagsabak sa Tumblr. Hindi ko pa alam kung ano and idudulot na maganda nito sa buhay ko pero umaasa ako na kahit papaano ay mangyayaring maganda sa ginagawa kong ito. Kung ano man yon, ay hindi ko pa alam. Sumasakit na ang utak ko, kaya magpapaalam muna ako.

Hanggang sa post # 2 ko.

Salamat. Matulog na tayo. Our brains need to rest.

Mautak ka ba?

Filed under utakhanep mautak