AOKIGAHARA

"Your life is a precious gift from your parents

Sa takbo ng buhay ko ngayon, aaminin ko na maraming beses nakong nainggit sa iba. Maraming beses ko na naitanong sa sarili ko kung bakit “Sila may magandang bahay”, bakit “Sila maraming pera”, bakit “Sila hindi na kailangan magkanda kuba sa pagtatrabaho, para lang makabili ng magandang damit”, at kung bakit “Sila, mukhang masaya”.

1:06 PM na ngayon, wala akong pasok. At sa kakaikot ko sa internet ay napadpad ako sa website kung saan nakit ko itong video na ito:

Pagkatapos ng higit sa 20 minuto ay napagtanto ko na, na “man is never content”. Kung ano ang meron tayo, hindi natin ito nakikita. Kung ano ang meron ng iba, gusto natin meron din tayong ganon. Sa bansang kasing unlad ng Japan, hindi ko sukat akalain na marami parin ang nagpapakamatay, meron pa akong nakita sa video na ‘suicide manual’. Tama ba naman ito, bakit naman may magsusulat ng isang libre on “How to Die a Tragical Death”. Bakit? Dito sa Pilipinas, marami ang nagugutom, mga hindi makapag aral, at ang tanging hiling sa maghapon ay makakain ng 3 beses sa isang araw. Pero sa kabila ng lahat, ay nagtatrabaho parin tayo hanggang sa wala na tayong lakas, at tumatawa parin tayo hanggang sa sumakit ang mga tyan natin.

Ironic? Oh yes. Kaya gusto ko paring maging Pinoy kahit na puro paghihirap ang nakikita ko dito sa Pilipinas, at marami na sa mga ka batch mates ko ay nangibang bansa na. Naiinggit man ako sa mga Iphone at Ipad nila, nothing feels more at home than staying in the Philippines.

Mabalik tayo sa video. Nabuksan ang isip ko sa katotohanan na sa lahat ng uri ng lipunan, maging ito ay sa isang napaka unlad na bansa, o sa bansang naghihikahos. Lahat ng lipunan ay may ‘dark side’. Masyadong demanding ang lipunan natin ngayon, kelangan maganda damit mo, basta bawal maging jologs at bawal magmukhang tanga.

Sabi nga nung suicide patrol sa video, kaya na nating mamuhay sa bahay lang dahil sa internet. Nakakalimutan na natin na may mga tao ding katulad natin na pwede nating kausapin. Kung iisipin, dito sa Pilipinas ang problema natin ay pera, mga eskwelahan para sa mga bata, at ang pagtugis sa mga masasamang elemento sa gobyerno, sa mga mauunlad na bansa gaya ng Japan, ang problema nila? PAGKALUNGKOT. Kung natapos niyo yung video, makikita nyo na may nahanap silang ‘suicide note’ kung saan nakasulat sa japanese ang “I came here because nothing good ever happened in my life”. Tama ba naman yon? Simula ba nung pagkabata mo ay wala nang magandang nangyari sa buhay mo? Siguro nga sa sobrang gulo ng lipunan ngayon, yan nalang ang maiisip mo. Ako rin, dumating sa puntong ganyan na gusto ko ring magpakamatay, pero ang gamot lang sa pagkadepress…alam mo kung ano? kaibigan. Kung wala ka nito, ilabas mo sa alaga mong pusa o aso. Makikinig sila kahit parang hindi ka nila naiintindihan.

Siguro sa sobrang advanced nila nakadepende na sila sa mga robot at machine nila, sa mga cellphone at MP3 players nila. Samantalang tayo dito pag may problema, kahit sino pwedeng mong hatakin, at pwede mo nang ibuhos lahat sa isang bote ng red horse.

Kaya sa mga nawawalan ng pag-asa sa buhay, wag. Wag kayong mawalan ng pag-asa. Pero syempre wag lang puro asa, kumilos ka dyan at wag nang mag DOTA, warcraft, at Diablo 3. Magbasa ka ng libro or makipag debate tungkol sa mga maliliit na bagay sa mga katropa mo hanggang sa maasar sila.

Lumabas ka ng bahay at magpa araw ka, tumawa, at ipagmalaki mo na isa kang mautak na pinoy.

Remember that nobody is alone in this world.

:)